Monday, September 28, 2009

ANG MGA PLASTIK NI ONDOY

BAGYONG "ONDOY"

Nais kong mamilosopiya:

Una: Plastik
Dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig na umabot sa mga bubong ng mga kabahayan ng maraming residente, di mabilang ang nagutom at nauhaw. Marami ang nagkusang-loob na maghanda at maghatid ng pagkain. Unahan, agawan at walang katapusang pila sa pagkain. Nakiusyoso ako sa nagyayari. Instant pansit canton, zest drink, bottled water, naka repacked na bigas ang kalimitang laman ng isang plastic bag na merong "tatak" kung kaninong "kamay" galing ang naturang pamatid-gutom. Hindi ko interes sa isyung ito kung paano kakainin ang mga hilaw na pagkain lalo na kung walang paglulutuan. Ang interes ko ay ang lalagyan. Ang pansit canton, zest drink, bottled water, bigas ay may kani-kanyang plastic na kinalalagyan. Ang lahat ay nakalagay naman ng sama-sama sa iisang plastic bag para madaling maipamudmod, maihulog at maibato sa mga nagugutom na walang lutuan.
Ilang residente sa mga sinalanta ang nabigyan ng mga pagkaing nasa plastic? Kung susumahin ilang pirasong plastic ang naipamahagi sa mga nagugutom? Sa sandaling kunin ng isang indibidwal ang lamang pagkain ng mga nasa plastik, saan naman kaya niya ilalagay ang mga pinaglagyan? Ibubulsa at itatapon kaya sa basurahan paghupa ng tubig-baha? Paano kung walang bulsa ang salawal, bibitbitin kaya niya ang mga basurang ito habang inililikas at inililigtas ang sarili o hahayaan na lamang na itapon sa rumaragasang tubig-baha? Nakikita kaya ng madla ang magiging epekto ng mga panibagong basurang-plastic na ito? Karamihan ng mga nasa media ay laging nagpapaalala sa mga mamamayang tagapakinig at tagapanood ng kani-kanilang estasyon at programa na iwasan ang pagtatapon ng mga plastik na basura kahit saan... meron ba sa mga taga media sa kasagsagan ng pagbaha at pamumudmod ng mga pagkaing nasa plastik na lalagyan ang nagpaalala sa mga tao na "huwag itatapon ang mga plastik na pinaglagyan ng pagkain kung saan saan kasi magbabara yan sa mga imburnal..." Sa mga lugar na dinaanan ng rumaragasang tubig-baha ay makikitang na-trapped sa mga rehas o kawad ng kuryente ang mga basurang plastik na lalagyan na itinapon (kung saan-saan) ng sambayanang Pilipino. Mag-ingat po ang lahat. Meron na namang delubyong darating na dala ng mga basurang plastik!

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. dito sa los banos, laguna, ipinagbabawal ang paggamit ng plastic. ang mga tindahan, palengke, kahit fastfood, supermarket or drugstore di gumagamit ng plastic. ang mga pinamili, inilalagay sa supot o mga recycled na karton. karamihan dito, nagdadala ng sariling bag o lagayan kapag mamimili.

    pero, hindi lahat sumusunod sa ordinansang ito. meron pa ring mga tindahan o mga business establishments na gumagamit ng plastic.

    may ordinansa man o wala, ang problema'y nasa gumagamit ng plastic. maging responsable lang sana para hindi ito dumagdag pa sa mga hagupit ng kalikasan.

    ReplyDelete